Part 8: Tahanan

2071 Words
Ang Sumpa Ni Ibarra AiTenshi Part 8: Tahanan Dalawang gabi na ang nakalilipas mag buhat noong makilala ko si Ibarra at tulungan niya kami para gumaling si Tob. Sa mga gabing iyon ay tila naging panatag ako, parang bang nawala ang sobrang takot at pangamba sa aking dibdib. Pakiwari ko ay naging komportable ang gabi dahil alam kong mayroon isang nilalang na may kaparehong abilidad ang makakatulong sa amin kung sakaling ang lahat ay maging worst ang senaryo. O yung senaryo na mang gulo ulit yung isang lalaki na mas hindi kaaya aya ang anyo. Sa dalawang gabing iyon ay panatag ang lahat, walang masamang panaginip o pangitain. Mahimbing kaming nakatulog ni Tob. Minsan kapag nakatingin ako sa kisame ay itinatanong ko sa aking sarili kung anong buhay kaya ang mayroon si Ibarra? Ano ang ginagawa niya? Saan siya natutulog? Anong kinakain niya o kaya ay ano ang iniisip niya. Hanggang ngayon ay naka ukit pa rin sa aking isipan ang kanyang gwapong mukha, masayahin siya, parating naka ngiti at napaka positibong mag isip. Para bang ang lahat sa kanya ay madali, wala siyang takot at ang lahat ay para bang kayang kaya niyang harapin. Kaibahan sa akin na halos parating nasisindak at nawawalan ng bait sa sarili kapag nag hahalo halo na ang matinding emosyon. "Kamusta ang tulog ng big boy ko?" tanong ko kay Tob habang lumalakad patungo sa kusina. "Okay naman po papa, ikaw kamusta ang tulog mo?" tanong rin niya dahilan para matawa ako. "Okay lang rin po, mahimbing na nakatulog si papa." ang tugon ko. "Sa palagay ko ay malaking tulong proteksyon na ibinigay ng kaibigan mong albularyo. Teka nga, saan mo ba nakilala ang lalaking iyon? Ang kanyang anyo ay masyadong perpekto na para bang hindi siya tao. Ganoon kasi ilarawan ng mga taga rito ang isang perpektong engkanto na may magandang pisikal na anyo." ang wika ni Manang Bering sabay lagay ng pag kain sa aming harapan. "At mahusay na albularyo iyang kaibigan mo dahil mabilis niyang napagaling si Tob. Samantalang yung kaibigan kong matanda na halos 40 taon nang ginagawang pang gagamot ay nahirapan pa rin sa sitwasyon ng iyong anak. Nag tataka tuloy ako kung saan niya natutunan ang ganoong talento." "Nagiging paru paro rin po siya at nagiging mga mababangis na hayop." ang sabad ni Tob. Dahilan para matawa ako bagamat totoo naman talaga na nagiging paruparo ang katawan ni Ibarra kapag nag ttravel ito patungo sa ibang lugar. "Ah e, ang ibig pong sabihin ni Tob ay madalas nakapag papaaamo ng mababangis na hayop ang aming kaibigan at mahilig rin siyang mag alaga ng paruparo sa bakuran ng kaniyang tahanan. "Bihira isang albularyo ang may ganoon talento, siguro ay kinalugdan siya ng makakapangyarihang nilalang doon sa bundok ng Hiraya." "Siguro nga po manang Bering." tugon ko naman. Alas 12 ng tanghali, kumuha ako ng isang basket na prutas at naisipan ko itong dalhin kay Ibarra doon sa tahanan niya sa puno ng Akasya. Ewan ko ba, hindi ko maunawaan sa aking sarili kung bakit nais ko siyang makita. Ang wirdo sa pakiramdam na ang isang lalaking katulad ko ay nag nanais na masilayan rin ang isang lalaki rin na nakatira kung saan. Gayon pa man ay huli na ang lahat para umatras dahil noong nag lalakad ako patungo doon ay nakita ko agad itong nakahiga sa malaking sanga ng isang puno, nakalawit ang isang paa at nakatanaw sa magandang kalangitan. Noong maramdaman niya ang aking presensiya ay agad siyang nawala sa kanyang kinalalagyan at sumulpot sa aking harapan. "Bakit nandito ka Leo? Kamusta si Tob?" tanong nito "Maayos naman siya, maraming salamat sa iyo. Nga pala para sa iyo ito. Mga prutas na pinabili ko doon sa palengke. Tapos ay mayroon akong ilang tshirt, shorts at pantalon dito baka maisipan mong mag bihis para mas maging anyong tao ka." ang biro ko. Nangiti siya. "Salamat ha. Ang totoo noon ay gusto ko talaga mag suot ng ganito hindi ko alam kung saana ko kukuha. Nga pala, pasok sa bahay ko." ang alok niya. "Bahay mo? Nasaan?" tanong ko. Natawa siya "Dito sa loob ng puno ng Akasya." "Sa loob ka nakatira?" pag tataka ko. "Oo naman, halika para maniwala ka." ang wika niya sabay kumpas sa kanyang kamay at dito ay bumukas ang pintuan sa katawan ng naturang puno. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako papasok sa loob. Pag pasok ko sa loob ay tumambada sa aking paningin ang isang simpleng dampa na gawa ng pawid at kawayan. Para itong isang ordinaryong bahay kubo na kapag sumilip ka sa bintana ay makikita mo ang isang malawak na kapatagan. "Wow, astig dito sa tahanan mo. Ang presko ng hangin at talagang nakakamangha ang itsura ng kapaligiran." ang pang hanga ko. Ang aking tahanang ito ay isang normal na kubo lamang, pero ang pinaka espesyal na parte dito ay ang apat na bintana na may magagandang tanawin. Dito sa unang bintana ay makikita mo ang pinaka magandang kapatagan na napapaligiran ng luntiang d**o at magagandang bulaklak. "Halika, sumilip ka sa binta dito sa likuran." utos ni Ibarra at dito ay laking gulat ko noong makita ang isang malawak na karagatan. Kung iyong mag papasmadan mula dito sa bintana ay para kang nakasakay sa isang barkong nag lalagay patungo kung saan. Sa binatana naman sa tagiliran ng kubo sa gawing kanan ay matatagpuan mo ang iyong sarili sa isang mataas na bangin. Mula dito ay maabot mo ang kalangitan gayon rin ang mga ibong nag liliparan sa paligid. At sa pinaka huling bintana naman sa gawing kaliwa ay makikita ang isang madilim na kakahuyan kung saan ang may nakakalibot na pakiramdam, ngunit ang pinaka magandang parte sa kakahuyang ito ay ang nakakarelax na huni ng mga kuliglig sa paligid na parang musika sa aming panindinig. Manghang mangha ako sa aking mga nakikita. Simple ang buhay ni Ibarra dito sa kanyang dampa ngunit napaka espesyal nito kung tutuusin. Matapos ipakita sa akin ni Ibarra ang nag gagandahang tanawin sa bawat bintana ng kanyang tahanan ay pinaupo niya ako sa isang kahoy na silya at binigyan ng inumin. Pero hindi ko ito ginalaw na kanyang ipinag taka. "Ayon sa matatandang paniniwala kapag daw kumain ka o uminom ng kahit na anong bagay na galing sa engkanto ay hindi kana makakauwi sa inyo." ang wika ko dahilan para matawa siya. "At naniwala ka naman doon Leo? Hindi totoo ang paniniwalang iyon. Ang mga ito ay katas lamang ng prutas na sinala ko kanina. Ito ang pinaka alak ko. Ang totoo ay ibenebenta ko nga ito doon sa bayan para mayroon akong pambili ng pag kain. Tikman mo." ang wika niya. Kinuha ko ang baso at lumagok ako. "Masarap nga, parang dinurog na ubas pero mas matamis ito ay mas gumuguhit sa lalamunan. Nga pala, isukat yung mga damit. Ang iba dyan ay bago pa at hindi ko pa halos naisusuot."  ang wika ko. Ngumiti si Ibarra at walang ano ano ay nag hubad sa aking harapan. Tumambada ang kanyang balat na napaka kinis na parang isang manneguin, may maumbok na didbib, sexy at may abs, ang kanyang pwet ay matambok na napaka kinis. Mula sa ibaba ng pusod ay ang karug sa kanyang bulbol patungo sa kanyang ari na hindi katigasan. Tuli rin ito at walang pinag kaiba sa aming mga normal na tao. Kinuha niya brief at pakat na pakat sa kanyang tawan, naka suot lamang siya ng short at maluwang na tshirt. Mas lalo pa siyang naging gwapo sa simpleng anyong ito. Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sa kanya na parang nag iinit ang aking katawan, medyo nanigas ang aking pag lalaki noong masilayan ko ang kanyang matambok na pwetan. Pero gayon pa man ay muli akong lumagok ng alak at ikinalma ang aking sarili. "Wow, mukha na talaga akong tao nito, sa palagay ko ay hindi na ako pag titinginan sa pamilihan dahil sa aking kasuotan. Salamat Leo." "Walang anuman, mas bagay sa iyo ang ganyan. Hayaan mo marami pa ako doon. Dadalhin ko nalang sa iyo." naka ngiti kong tugon. "Nga pala, ikabit mo ito sa katawan ni Tob, ang proteksyon ito ay mas matagal ang bisa kaysa doon sa inilagay ko noong isang araw. At lagay mo rin ang mga palaspas na ito sa iyong bakuran para mag karoon ito ng malakas na proteksyong makapipigil sa mag masasamang nilalang na umaaligid sa inyong bakuran. At isa pang paalala huwag kang masyadong umiihi sa harap ng bahay ko dahil pumapanghi ito. Limang beses na kitang nakikitang jumijingle dyan sa harap hawak yung matigas mong titi." ang wika niya dahilan para mahiya ako at matawa. "Sorry, hindi na po mauulit. Gusto mo bang palagyan ko ng bakod ito Akasya upang hindi ka magambala?" tanong ko. "Huwag na, ang palagyan mo ay yung bahay ni Tembong, tiyak na galit pa rin iyon dahil hindi mo pa ginagawa yung pangako mong protektahan siya." Natawa ako. "Hayaan mo, pag may oras ay aasikasuhin ko yung tahanan ni Tembong. Nga pala, marami ba kayong mabubuting engkanto?" tanong ko. "Ang mga mabubuting katulad ko ay bihira. Ang ibang engkanto o lamang lupa ay walang pakialam sa mga mortal basta huwag lamang silang gagambalain sa kanilang pag papahinga. Mayroon ring mga engkanto na gamahan at puro kasamaan ang laman ng kanyang pag iisip. Alam mo Leo, balanse ang mundo ng mga engkanto, may mababait, may mga bwisit at mayroon ding walang pakialam sa mundo. Basta ang mahalaga ay huwag silang gagalitin at aabalahin dahil tiyak na babalikan ka nila at gaganti sila sa iyo. Mas doble pa ito kung tutuusin." "Mahirap ba?" tanong ko "Ang alin Leo?" "Ang maging Engkanto." "Minsan mahirap, minsan masarap, kung minsan naman ay mapanganib rin dahil ang kapwa mo engkanto ang makakalaban mo. May mga malalakas na nabubuhay sa mundong ito Leo, higit pa sa amin. Mga nilalang na kalevel ng mga Diyos at Diyosa sa kalangitan. Pero bukod pa roon ang pinaka mahirap na parte ng pagiging ganito ay ang maling paniniwala na ang lahat ng engkanto ay masama, nakakatakot at walang maidudulot na mabuti sa sang katauhan. Lahat kami ay kinatatakutan, lahat kami ay sinasaktan, sinusugatan. At ang pinaka masakit na parte ay hindi nila kami nauunawaan." ang malungkot na wika ni Ibarra Tahamik ako at naguilty.. "Ang totoo noon ay isa ako sa mga tinutukoy mo. Isa ako sa nag iisip na masama kayong lahat. Pero ngayon, lahat ng iyon ay nag bago na. Ngayon ay batid ko na hindi lahat ng engkanto ay masama, ang ilang sa kanila ay may mabuting puso, katulad mo Ibarra, maraming beses mo nang niligtas ang aking buhay at hinding hindi ko makakalimutan iyon. Salamat rin sa pag tayong gabay ni Top sa mga panahong wala ako sa kanyang tabi. Paano ba ako makakabayad ng pag kakautang sa iyo tol?" tanong ko. Tumingin siya ng seryoso sa akin at ngumiti. "Wala, hindi mo naman kailangan mag bayad. Ang isang katulad mo na nag tataglay ng mabuting puso ay isang biyaya Leo. Balang araw ay magiging haligi ka ng katarungan at ang lahat dito sa paligid ay kilalanin ang iyong kabaitan. Isa kang mapag mahal na ama, anak at kaibigan. Alam ko iyon. Ipag patuloy mo lang ang mga bagay na maganda sa iyong pag katao." ang sagot niya. Ngumiti ako pero noong mapatitig ako sa kanyang mukha ay para bang nabato balani ako sa kanyang taglay na kagwapuhan. Parang naaakit ako sa pula ng kanyang labi na parang isang magandang babae. Ang kanyang amoy ay nakabango na parang punong puno ng talulot ng bulaklak. May kakaiba kay Ibarra na nagiging dahilan ng pag t***k ng mabilis ng aking puso. "Oh, baka mag kagusto ka sa akin niyan ha. Kalma lang pre, makikita mo pa ako bukas." ang biro niya dahilan para matawa ako. "Ewan ko sa iyo. Aalis na nga ako, baka hinahanap na ako ni Tob doon." ang wika ko Natawa siya at muling binuksan ang pintuan sa kanyang bahay. "Salamat sa pag dalawa sa aking tahanan." "Mali, ako dapat ang mag papasalamat. Marami salamat sa pag tanggap mo sa akin sa iyong magandang tahanan ginoo." ang pormal kong salita. "Hindi bagay sa iyo. Yung Leo na kilala ko ay mura ng mura. Halos nakaka 100 mura sa loob ng isang buong araw." biro niya. "Sira, nag bago na ako." ang naka ngiti kong sagot. "Bakit parang sobrang saya mo yata?" tanong niya. "Ewan ko ba, basta masaya ako at ayoko na itanong kung bakit. Ikaw masaya ka yata?" pag babalik ko ng tanong sa kanya. "Oo naman, kasi nag karoon ako ng kaibigan sa inyo ni Tob. Huwag kang mag babago Leo. Poprotektahan ko kayo ni Tob, kahit buhay ko pa ang maging kapalit." ang wika niya sabay hawak sa aking kamay. Itutuloy..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD