NASA malalim na pag-iisip si Patrice nang marinig niya ang pagparada ni Ayden ng sasakyan sa garahe. Kilala niya na ang asawa at tiyak na ang unang pupuntahan nito si Aiden. Ipinikit niya ang mga mata at naghintay sa pagpasok nito. Habang ikinakalma ang sarili ay naalala niya ang usapan nila ni Charles noon... “Siguro nga at siya ang hahanapin ng mga mata mo,” pagak na sagot ni Charles, himig niya sa boses nito ang pagkadismaya. “Pero sa una lang iyon. If you know your worth... I mean, if you still know your worth as a person, then you should know how to let go for the things that is weighing you down. You deserve better, Patrice. With your disability, you are in need of special care. Hindi iyong may kapansanan ka na ngang hinaharap, nahihirapan ka pa sa pagsalba sa relasyon ninyo.” “Ple