SINALAT ni Patrice ang dibdib kung saan naroon ang puso. Tila ba umalingawngaw ang sagot na iyon ni Ayden bago ito tuluyang mag-proseso sa kanyang utak. Sa mga oras na iyon ay parang kinuhanan siya ng kakayahang huminga. Ayden's answer is not the one she expected. And maybe Charles was right. Ayden was taking his time to leave her. At ito na ang senyales na kanyang pinakahihintay. Hininga sa Diyos upang paniwalaan. “Let’s end this,” ani Ayden para tuluyang siyang mapakapit sa vanity cabinet. “You want this so badly, right? Then let’s do it.” “Why... why are you being like this?” tanong niya rito nang hindi na napigilan ang sarili. “Dahil ba ito sa babae mo? Dahil ba naging bulag ako?” Sandaling hindi sumagot si Ayden bago huminga nang malalim. “If that's what you want to believe, then