“EVERYTHING will be all right, Kayden. It may be hard but believe that it will,” payo ni Nanang Tesla habang hinahagod nito ang kanyang likod. “I will talk to her, Nanang Tesla. Kahit na totoo man ang nakita ni Aiden sa garden, handa akong magpatawad,” ani Kayden at malamlam na tumingin sa ginang. “I can’t do it. Mamatay ako, Nanang. Alam kong mali. Alam kong hindi dapat. Alam ko na ang tadhana na mismo ang nagsasabi sa akin na itigil ko na ang pagpapanggap kong ito pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan si Patrice. Si Aiden... ngayon ko lang siya nakasama. Ngayon ko lang siya naging malapit sa akin. Nanang, hindi... hindi ko kaya.” “Kayden, kumalma ka muna,” wika ni Nanang Tesla para mapansin na ang kanyang ginagawa. He was unconsciously bawling. Habol-habol niya ang hininga at nangi