Chapter 4

2283 Words
“I’M SORRY, baby...” ani Patrice at pinisil ang kanyang kamay. “It must have been hard for you to lose your only twin. Naging mapagmataas ako at kagalit ko na nawala ang kapatid mo. If I just treat him good just like you always wanted me to be. Pinairal ko ang pagkasakim ko. I’m so sorry...” Napakurap-kurap si Kayden bago pinisil pabalik ang kamay nito. “No, don’t say that, b-baby. K-Kayden is surely at peace now.” “I can’t help but to feel bad,” pagmamatigas ni Patrice at nagsimula na namang humikbi. “I mean, I wanted to be friends with him, you know that, but I know he much he hated me so...” Napapikit si Kayden at minura niya ang sarili. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman sa kasalukuyan. Panghihinayang na kung bakit hindi niya nagawang pakitunguhan si Patrice noon. Poot para sa sarili dahil sa kanyang pagiging mapagmataas. At pagkaawa para sa dalaga. Sa mga oras na iyon ay gusto niyang saktan ang sarili. How could he be so inconsiderate? Since when did he become a monster to an angel like Patrice? Now, he hates himself for that. “But I never hated him, you know. I never see Kayden that way. I just reacted the way he reacted to me,” pagbibigay-alam ni Patrice at humikbi. “And I did wrong by doing that. I should have reacted the opposite instead. Like confront him and settle things between us. Naging mapagtamataas ako kasi gusto ko siya ang gumawa no’n sa pagitan namin. And now that I want to do it, he’s gone, baby. He’s not coming back to us.” “Yeah...” sambit ni Kayden sa mahina lamang na boses bago napaluha kasama ito. “He’s not coming back.” “I’m sorry...” muling wika ni Patrice at ikinagulat niya ng yumakap ito sa kanya. Naestatwa ang kanyang katawan sa mga oras na iyon at hindi niya alam ang gagawin. Nag-alangan na tinaas niya ang kamay at inilapat sa likod nito hanggang sa nasanay na siya sa ganoon nilang posisyon at dinamdam na lamang ang init na hatid ng katawan ni Patrice. He knew he was supposed to pull back. Go back to his room and keep his body to himself. Bid goodbye to Patrice because the dawn has finally settled and the night has come. But he just stays with Patrice like he was supposed to, like his arms are made to be snaking around on her small body and he has the right to the feeling of her body heat on him. For a moment, his agony has faded. Para bang may mahika ang yakap nito para mapakalma sa kanya para mawala ang kanyang mga iniisip at mga pag-aalinlangan. Nang bumukas ang pinto ay napatingin siya kay Nikolas kasama ang empleyado nito na naghatid nito ng pagkain. Hindi makapaniwala na nagtaas ito ng mga kilay sa kanyang gawi bago ito napailing sa kawalang paniwala. “What are you doing?” tanong nito gamit lamang ang paglabi. “I don’t know...” sagot ni Kayden at sinulyapan si Patrice. “Just let her be.” Kumunot ang noo nito bago napailing-iling nang malaman na wala na itong magagawa. Nang marahil maamoy ni Patrice ang masarap na pagkain ay napabitaw ito sa pagkayakap sa kanya at napalinga-linga. “That must be the food,” wika ni Patrice at napangiti. “I suddenly got hungry. Will you join me for dinner?” Nagkatinginan sila ni Nikolas at umiling-iling siya sa gawi ng kaibigan. Itinuro siya nito at tumango-tango, nagpahiwatig na wala siyang magagawa kundi samahan ito. “Of course, Kayden will—” Napapikit si Nikolas sa nasambit at huminga nang malalim. “I mean, Ayden will be joining you for dinner.” Nanlaki ang mga mata ni Kayden at pinandilatan ang kaibigan na si Nikolas at lumabi, “What the f**k?” Napangiti si Nikolas at inilapit ang pagkain sa kanila. “Si Ayden na rin ang magsusubo sa iyo, Pat.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kayden bago siya napabuntong-hininga nang pagngisi lang ang kanyang natanggap kay Nikolas. Nikolas level the bed and smiled at them. “If you guys need anything, just let me know,” wika ni Nikolas at tuloy-tuloy itong lumabas sa silid. Napapikit nang sandali si Kayden bago niya inihanda ang pagkain ni Patrice. Tahimik lamang na naghihintay ang dalaga at napangiti siya kung gaano ito kakalma sa kasalukuyan para magbigay din sa kanya ng kung anong pagkaginhawa. At least, Patrice seems fine now. Masaya na siya sa isipin na nagiging maayos na ang kalagayan nito. “Say ahh...” wika ni Kayden at itinapat sa bibig nitong ang sinandok na pagkain sa kutsara. Patrice obliged and eat. Napangiti ito habang ngumunguya. “I have been declining dinner since the other day. Gusto ko kasi magkasabay tayong kumain.” Napangiti si Kayden. “Don’t worry, from today onwards, I’ll feed you.” “Really? Thanks, love,” wika ni Patrice at napangiti. “I missed you. Okay na akong nakakausap na kita ngayon.” “I m-missed you, too...” nag-aalangan na tugon ni Kayden at pilit na napangiti. Nang umapuhap ito sa hangin marahil para sa tubig ay agad na tinulungan niya ito. “Here’s the water...” pag-alo ni Kayden at itinapat ang tubig sa bibig nito. Inalalayan niya ito sa pagsahod ng kamay sa baba nito. Nang manahimik na ito sa kinauupuan ay kumain sa tirang pagkain gamit ang ginamit niyang kutsara sa pagsubo kay Patrice. Hindi na siya nag-abala na manghingi ng ibang pares na kubyertos para hindi na makaabala pa ng ibang tao. Isa pa, batid niya na nagsasalo ang mga mag-asawa sa mga bagay-bagay kaya iyon ang ginawa niya. He couldn't afford to be caught. Sumulyap si Kayden kay Patrice habang umiinom siya ng tubig. “You became silent all of the sudden, any problem?” “Tell me honestly, baby. With this disability of mine, do you think I’m a burden now for you?” tanong nito at malungkot na umismid. “No, baby...” sagot ni Kayden at nagulat sa sariling kung gaano siya kabilis na nasanay sa tawagan na iyon. Sapi ang noo na minura niya ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi bago umusad sa kanyang ginawa. “Because I am blind now, Kayden. Magiging mahirap na akong pakitunguhan simula ngayon... at ayokong maging pabigat sa iyo,” ani Patrice para malungkot na mapaismid siya dinadamdam nito. “Don’t say that,”.marahan na pagsita ni Kayden dito. “Don’t think something like that, you’re never going to be a burden to me.” Pagkatapos niyang mausal ang mga kataga na iyon ay palihim na napabuntong-hininga si Kayden. He sounds like Ayden and he was acting like Ayden. It’s the least thing he could ever do for his twin. And saying such reassuring words towards Patrice is like a smooth flattened kinetic sand—it’s satisfying. Which is senseless because he wasn't supposed to feel satisfied and gladdened. He wasn't supposed to feel happy by saying those sweet words to her. “I love you,” biglang wika ni Patrice para maestatwa siya sa kinauupuan at mapatitig na lamang sa maamo nitong mukha. Nagbawi ng tingin si Kayden at pilit na ngumiti habang nakatingin sa kutsara na ginamit nilang dalawa. “I love you, too...” “Will you sleep by my side tonight?” tanong ni Patrice. Gulat na napatingin si Kayden dito bago kumunot ang noo. “I mean, sleeping in another place is uncomfortable for me, baby. Especially when you’re not beside me,” pagbibigay-alam ni Patrice para mapahilamos si Kayden gamit ang mga kamay. “I got used to it. You’re my dreamcatcher, you take my nightmares away. The bed is huge and it can accommodate two people, baby. I want you to sleep beside me. Please, I really missed you...” Nanatiling tahimik si Kayden at tumitig lamang dito. He saw how Patrice frown after a moment of silence while sitting on the bed and with an unknown reason, it made him sad. Napalunok siya nang malalim bago napailing-iling dahil hindi niya ito matiis. “Okay, I miss sleeping beside you, too...” wika ni Kayden para mapangiti ito. “Let me just take care of these cutleries and I’ll be with you shortly.” Tumango-tango si Patrice at ngumiti bilang tugon. Nag-aalangan na pinaandar niya wheelchair sa tabi nito at sumipat muna dito bago iginalaw ang mga paa. Maingat na sumampa si Kayden sa kama at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat ng humiga sa kanyang tabi si Patrice at nanguyapit palapit sa kanya. Her hand was now on his chest and her foot is on her abdomen. He could feel her breath fanning on his cheeks and all he did was stay still because he doesn't know what to do or to even react from the gesture. He didn't know that Patrice is this clingy and it makes his body react in a manner that is too impossible for him to believe. His heart was beating so fast, jabbing loudly on his ears, making it so hard for him to hear anything aside from his heart beat. “Does your feet still hurts?” marahang bulong nito at halos dumampit na ang labi nito sa kanyang pisngi. “Not anymore...” sagot ni Kayden at napaigik ng palihim nang ipinihit ang paa at bahagya na sumakit. “Hindi na masakit.” “Mabuti naman...” tugon ni Patrice at hinalikan ang kanyang pisngi. Mas lalong bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib at biglang tumaas ang puwersa ng kanyang mga kalamnan. “Are you okay? Your heart is beating so fast, I can feel it...” tanong nito habang salat ang kanyang dibdib para mapasipat siya dito. Nakapakit ito at payapa ang mukha habang naghihintay sa kanyang sagot. Napangiti na lamang siya sa kanilang posisyon dahil kung gaano ang kanyang pagkabalisa ay ganoon rin ang pagkakalmado ni Patrice sa kasalukuyan. “It’s because of you...” Kayden said honestly and looked at her reaction. Napangiti ito habang nakapikit at sinapo ang kanyang mga pisngi gamit ang mga kamay. Nang ginawaran siya nito ng mabilis na halik sa labi ay para bang may kung anong pumitik sa kanyang sistema para tuluyan na nga na magwala ang kanyang puso at manginig ang kanyang mga kalamnan, at tumigil sa pagproseso ang kanyang utak. It took him a minute to realize his feelings and cursed in silence. Oh, god... this is bad. Worst than he imagined. He shouldn't be reacting this way towards Patrice. This is wrong. What he felt towards her was wrong. Nanginginig ang mga mata na nilingon niya ito at naramdaman ang pagbabaw ng paghinga nito. Seeing her so settle calm gave him the same reaction as well. Hindi niya alam kung anong nangyari pero naging panatag na lamang ang loob niya kay Patrice. Now, he knows how much Ayden loved his wife. Patrice is compassionate. She know how to listen and most especially she feels home. Ang laki-laki niyang tao pero habang nasa bisig ni Patrice ay para siyang bata na nakahanap ng kung anong kalinga sa isang tao. Sa halip na umalis sa tabi niyo ay nanatili si Kayden sa kanyang posisyon. He glanced at her one more time before he smiled. Nakangiti na hinila ng antok si Kayden at nakatulog ng mahimbing sa bisig ni Patrice. KINABUKASAN, nagising si Kayden na nasa ibabaw niya na si Patrice. Nakadapa ito habang kapit na kapit sa kanya habang natutulog. Tuluyan nang minulat ni Kayden ang mga mata at napangiti sa nasilayan. Para itong bata na na takot na maagawan ng unan. Nag-alangan na itinaas ni Kayden ang mga kamay at ipinatong sa likod nito. Nang marinig ang pagtikhim ng kung sino ay napawi ang ngiti ni Kayden sa labi at mabilis na binawi niya ang kamay. Sa kanyang kanan ay nakita niya si Nikolas na umiling-iling na para bang inaasahan niya na iyon mula sa kanya. Si Alejandro na nakatas ang kilay sa gawi niya. Si Kyron na nakakalokong ngumiti habang si Cooper naman ay halata ang pagkadismaya sa mukha. Xavier on the other hand was squinting his eyes towards him. Maingat na inihiga niya si Patrice sa kanyang tabi bago bumalik sa kanyang wheelchair. Nang lumabas siya sa silid ay agad na nagsunuran ang mga ito. Pumasok siya sa pribado na silid at si Nikolas ang nagsarado ng pinto dahil ito ang huli na pumasok. “Somebody’s sleep must have been so good,” pasaring ni Kyron at nang-aasar na ngumiti. “Shut up!” wika ni Kayden at tiningnan ito nang masama. Tinapik siya ni Kyron nang makalapit ito sa kanya at binigyan siya nang nakakalokong ngiti. “I didn't understand your plan on pretending to be Ayden, actually. But seeing you stradled by that woman, now I know.” “It’s not like that, fucker,” depensa ni Kayden at itinulak ito. “Huwag mo akong itulad sa ‘yo.” “Oh, look who’s talking?” pang-aasar ni Kyron at pagak na ngumiti. “I’m not the one who sleeps beside my twin’s wife.” “Agree. You look cozy sleeping with that woman, fucker,” segunda ni Cooper at pagak na napangiti sabay hindi mapakaniwala na umiling-iling. “Oh, correction. It’s not just some mere woman. It’s Ayden’s wife for f**k sake! What are you doing, Gonzales? Are you insane? Did the plane crash beat the man out of you and make you crazy like this? Bro, that’s Ayden’s wife. It’s your sister-in-law, damn it! You f*****g sleep beside your sister-in-law just now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD