MATAPOS kong magbanlaw ng mga damit ay inayos ko na ang mga ito sa laundry basket. Nilinis ko na rin ang planggana at itinabi ang mga natirang sabon. Isasampay ko na lang ang mga yan sa likod-bahay mamaya. Lumusong na muna ako sa tubig at sandaling nagbabad. Lumayo ako sa mag-ama. "Nanay! Dito tayo kay daddy!" tawag ni Aya sa akin. "Ayoko! Umahon na kayo! Uuwi na tayo!" "Mamaya na! Nagliligo pa nga tayo, eh." "Kanina ka pa nakababad. Maputla ka na!" Lumubog ako sa tubig at lumangoy kahit hanggang dibdib ko lamang ang lalim. Agad din akong umahon. "Daddy, do'n tayo kay Nanay!" Napalingon ako sa mag-ama, at napansin kong hinihila na ni Chane ang whale na sinasakyan ni Aya palapit sa akin. "Uuwi na tayo!" Mabilis naman akong lumangoy patungo sa tabi at kaagad na ring umahon. "Mam