THIRD PERSON POV NANGIBABAW ang malakas na pagkanta at palakpakan ng buong pamilya ni Gretchen sa loob ng hapagkainan sa kanilang bahay. Kasalukuyan nila ngayong ipinagdiriwang ang ika-60th birthday ng kanilang ama. "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!" "Woo-hoo!!" "Yey! Happy birthday, Papa!!" "Happy birthday!!" Isa-isa ring humalik ang mga ito kay Mr. Alfredo Buenaventura, kabilang na nga dito ang asawa nito, mga anak, kapatid, apo, pinsan at mga pamangkin. Nag-abot din ang mga ito ng mga kanya-kanya nilang regalo. Huling lumapit sa kanilang ama si Gretchen. "Happy birthday po, Papa." Nakangiti din niyang iniabot sa kanyang ama ang kanyang regalo. Natahimik ang lahat at napatitig sa kanya. Ang kanya namang ama a