Gretchen NAWALA na rin ako sa sarili ko kaya hinayaan ko na lamang na tuluyan na akong angkinin ni Patrick. After all, naipasok na niya at nawasak na niya ang p********e ko. Nakakatawa lang. Inihahanda ko pa naman sana ito para sa unang gabi namin ni Charm kahit pakiramdam ko ay ilag na ilag siya sa akin. Ang sabi ko sa sarili ko, sa oras na maikasal na kami ay wala na rin siyang magagawa pa. Angkinin man niya ako o hindi, magiging mag-asawa na kami sa mata ng Diyos at ng batas. Pero nakakatawa lang ulit... dahil hindi na ako sigurado pa ngayon kung may kasalan pang magaganap sa pagitan naming dalawa. Tama nga si Jasmine, bumalik na ang first love ni Charm, at alam kong hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya si Jill kahit apat na taon na ang nakalilipas simula noong magkahi