"Gugutom na 'ko, Nanay. Gusto ko na nang pandesal," ungot ng aking anak. Kasalukuyan ko ngayong pinupusod ang mahaba at makapal niyang buhok. "Baka kinakain na ni Kuya Iko pandesal ko, Nanay!" "Hindi naman niya 'yon kakainin. Halika na." Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at ibinalik sa vanity mirror ang suklay. "Kukunin na natin ang pandesal mo." Hinawakan ko na ang kamay niya at hinila na siya palabas ng silid namin. Itong second floor ng bahay namin ay mayroon lamang dalawang kwarto. Ang isa ay para sa mga kapatid kong nagtutungo dito kapag sila ay walang pasok sa eskwelahan o sa trabaho. Mayroon din kami ditong malaking balcony na nakakunekta sa silid namin ni Aya. Yari lamang sa magagandang klase ng kahoy, makakapal na salamin at bakal ang bahay na ito pero mode