THIRD PERSON POV MASIGLANG lumabas ng banyo si Chane habang tuwalya lamang ang tapis sa katawan. Tumutulo-tulo pa ang tubig na nagmumula sa basa pa niyang buhok. Nagagawa pa niyang kumanta at sumayaw-sayaw ng Michael Jackson dance and song. "Billie Jean is not my lover... Whoa! ... She's just a girl who claims I am the one... Yeah! But the kid is not my son... Whoa!" Nagpaikot-ikot pa siya sa isang bahagi ng silid niya. "She says I am the one, but the kid is not my son... Yee... e-eey! Whoa!" Ginagamit pa niyang microphone ang sarili niyang kamay. Naagaw naman ang pansin niya nang tumutunog niyang cellphone na nakapatong sa gitna ng kama. Nilapitan niya ito habang patuloy na sumasayaw at kumakanta. "...but the kid is not my son... Whoa!" Kaagad niyang dinampot ang phone niya at kuno