May-May MALIWANAG na ang buong paligid nang magising ako. Nakita kong gising na rin ang anak ko sa aking tabi at niyayakap-yakap ang giant teddy bear niya na inihiga niya rin dito sa tabi namin--sa tabi niya mismo. Mabuti na lang talaga at malaki itong kama namin. "Good morning," nakangiti kong bati sa kanya. "Moning, Nanay." Kaagad siyang humarap sa akin, yumakap at humalik sa labi ko. "Akala ko hindi mo na ako yayakapin at hahalikan, eh, kasi may teddy bear ka na," nakanguso kong sabi sa kanya. "Baka magising ka, Nanay!" Napangiti naman ako. Talagang may paggalang siya kapag natutulog ako. "Gigisingin mo si Nanay kapag umaga na." "Wala na akong galang." Muli niyang binalikan ang teddy bear niya at niyakap. Natawa na lamang akong muli. "Ate May-May! ... Ate May-May!" Natigi