BAGO kita sagutin. Iyan sana ang masasabi ni Kara at pasalamat siya at bigla na lang dumaplis ang dila niya kaya hindi niya naituloy iyon. Pakiramdam niya sa sarili na sa mga susunod na araw, sasagutin na niya ang binata kahit abot langit ang galit niya rito. She hates him, but he loves him. Sa mga araw na nagdaan, unti-unti nang nabuo ang pagmamahal niya sa binata. Wala na siyang kailangang ipagkaila dahil nahulog na rin ang puso niya rito. "If you really love me, you have to tell me everything..." Gage chuckled. "Mahal kita at handa akong sabihin ang lahat-lahat, Kara. Pero mangako ka muna sa akin na anuman ang sabihin ko—anuman ang lumabas sa bibig ko, tatanggapin mo at hindi mo ako ipatatabuyan o lalayuan. Promise me!" Itinaas ni Kara ang kanang kamay. "Pangako!" aniya. "Pero dipend