"HELLO? May tao ba? May nakakarinig ba sa akin? N-Nasaan ako?" sunod-sunod na tanong ni Kara habang pilit na nagpupumiglas sa kinalalagyan niya. Wala siyang kaide-ideya kung nasaan siya ngayon. Gusto niyang alamin ang kinalalagyan niya ngunit hindi naman niya magawa sapagkat may taklob ang mga mata niya. Pero isa lang ang malinaw sa kaniya. She's in danger and she needs to do something as soon as possible. Patuloy lang si Kara sa pagpupumiglas nang biglang matumba ang kinauupuan niyang upuan. Napadaing siya nang tumama ang katawan niya sa matigas na sahig. Parang kiti-kiti si Kara ng mga sandaling iyon habang wala pa ring tigil sa pagpupumiglas. She tried to remove the blindfold on her head, but she couldn't even do that. Sinubukan na niyang umiling nang sunod-sunod ngunit walang nangya