SUNOD-SUNOD na napamura si Gage dahil paikot-ikot lang siya. Maraming pinto at hallway kaya hindi niya mawari kung nasaan ang lagusan sa lugar na ito. Animo'y nasa maze siya ng mga oras na iyon. He needs to escape. He needs to see his wife right away in order for them to escape from here. Kanina lang napagtanto ni Gage ba nasa barko siya at nasa loob siya ng accomodation kaya kailangan niyang makita ang daan patungo sa deck dahil katulad ng sinabi ni Megan, nandoon ang asawa niya. Takbo lang nang takbo si Gage at halos lahat ng pintong nadadaanan niya ay binubuksan niya upang maging tanda na nakadaan na siya roon. Habang tumatakbo, may nakita siyang palakol sa loob ng glass case. It could help him. Mabilis na tinakbo ni Gage ang kinaroroonan noon at gamit ang siko, binasag niya ang salam