EIGHT hours later... "She's in a good condition now, Ms. Dela Peña. Sa ngayon, kailangan niya munang magpahinga para magkaroon siya ng lakas bago ma-discharge sa ospital. Mauna na po ako at kapag kailangan niyo po ng tulong, huwag po kayong mag-alala na tawagan ako." "Diyos ko, salamat naman at maayos ang anak. Salamat, doc." "Walang anuman, Ms. Dela Peña. Malakas si Kara dahil kahit ilang oras na siyang nasa dagat, nagawa pa rin niyang makaligtas." Ngumiti lang ang mama ni Kara kaya naman umalis na ang doktor sa loob ng kuwartong kinalalagyan nila. Tulala si Kara at ni hindi magawang maibuka ang bibig. Wala rin siya sa sarili ng mga sandaling iyon at ni hindi niya nagawang pansinin ang mama niya simula nang pumasok ito sa loob. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa uta