HINDI magawang makatingin ni Kara nang diretso kay Rio habang nakatayo ito sa harap niya. Magkakrus ang mga braso nito sa harap ng dibdib habang walang emosyong nakatingin sa kaniya. Halos sampung minuto na yata silang ganito ang ayos. Ni hindi rin nagawang ibuka ni Kara ang bibig dahil hindi pa rin siya makapaniwala na si Rio ang nagpadukot sa kaniya. Nang malaman niya iyon kagabi, hindi na niya nagawang makatulog. Buong magdamag na nakamulat ang mga mata niya at ni hindi nga siya nakaramdam ng antok. Bakit kailangang paabutin ni Rio sa ganito? Puwede naman siya nitong kausapin nang masinsinan hindi iyong ipapadukot pa siya. Mali itong ginawa ni Rio at maaari itong makulong. "Mahal kita kaya nagawa ko ito sa iyo, Kara. Why don't you just choose me over that man, huh? I am better than h