TAMBAK na ang trabaho ni Gage ngayon. Kalahating-araw na ang natapos pero ni isang paper works ay wala siyang nagawa dahil hindi siya makapag-concentrate dahil iniisip niya si Kara. Simula nang pumasok siya kaninang umaga, hindi na ito mawala-wala sa kaniyang utak. Halos araw-araw ay nag-o-overthink siya sapagkat baka ma-kidnap muli ang mahal niya. Kung puwede nga lang oras-oras ay nasa tabi niya ito, nagawa na niya pero ayaw naman niyang iwanan itong kumpanya ng daddy niya. At isa pa, wala na namang mamahala nito kundi siya na lang dahil umalis na nga si Grant upang bumuo ng negosyo nito. Mas matrabaho raw kasi ang pagiging CEO kaysa maging owner ng isang business. Wala namang nagawa si Gage kundi tanggapin ang pagiging CEO dahil sa katunayan, malaki ang kinikita nito. Ni kumain ng tang