ILANG araw na ang nakalipas simula nang marinig ni Kara ang pag-uusap ni Gage at ng papa niya. Mabuti na lang at nakaalis agad siya bago pa man lumabas ang mga ito. Magpahanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya sa kaniyang narinig. Sino ba talaga ang tinutukoy ng papa niya? At sino ang tinutukoy nitong matagal nang kinalimutan? May sikreto ba ang dalawa na hindi niya alam? Gustong-gustong malaman ni Kara ang tinutukoy ng mga ito pero wala naman siyang lakas na tanungin ang dalawa sapagkat malalaman ng mga ito na nakinig siya sa usapan nila. "Mukhang malalim ang iniisip mo, Kara. Ayos ka lang ba?" Natigilan na lang siya sa malalim na pag-iisip nang marinig iyon. Sa tabi niya, nakatayo roon si Kuya Gibbs habang may hawak na tray na wala namang laman. Bumuntong-hininga si Kara at umupo s