NAGISING si Gage na nasa loob pa rin ng kaniyang opisina pero sa pagkakataong iyon ay nasa kuwarto na siya habang nakaposas ang mga kamay at paa sa kama. Nagpumiglas siya kahit alam niyang walang mangyayari. Nagsisisigaw na rin siya pero walang sumasagot sa kaniya. Hanggang sa mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at bumungad ang babaeng matagal na niyang hiniling na sana'y mawala na sa mundong ito. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa kama na kung saan ay pinagigitnaan ng kaniyang magkabilang hita. "What the hell are you doing here, Megan? What did you do to me? And how did you enter here in my building?" "Ang dami mo namang tanong, Gage. Hindi mo lang ba ako kukumustahin?" She smiled. "F*ck you! And why would I do that, huh? You're just a trash!" madiin niyang tugon habang patuloy pa