NASA loob si Kara ng kaniyang kuwarto ng mga sandaling iyon habang nakatanaw siya sa kubo kung nasaan ang papa at nobyo niya. Nag-iinom ang mga ito. Pauwi na sana si Gage kanina pero bigla namang inaya ito ng papa niya na mag-inom at walang nagawa si Gage kundi ang pumayag kahit kitang-kita niya sa mga mata nito na ayaw nitong tanggapin ang alok ng papa niya. Maski siya'y ayaw rin niya pero wala siyang lakas na suwayin ang papa niya kanina kaya ayon, halos kalahating oras na yatang nag-iinuman ang dalawa sa labas ng kubo. "Anak, gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?" Kaagad binalingan ni Kara ang pinanggalingan ng boses at mula sa may pinto, nakita niya ang mama niya roon. Naglakad ito palapit sa kaniya at sinapo ang balikat niya. "Ma, bukas, ipapakilala na ako ni Gage sa mommy niya," i