HALOS manlaki ang mga mata ni Kara nang makitang papalapit ang kaniyang nobyo sa kaniya. Napakasimple lang ng suot nito pero ang lakas ng dating nito roon. Lalong gumuwapo si Gage sa suot nito. May suot itong kulay itim na jeans, kulay puting t-shirt at nakasuson iyon sa denim jacket, at sa paa nito, may suot itong kulay puting sneakers. Simple yet attractive ang datingan ni Gage at isama pa ang suot nitong relo. Mas lalong nagpalabas ng kaguwapuhan nito ay ang ayos ng buhok nito. Maikli na ang buhok ng nobyo kumpara noong mga araw na kasama niya na mahaba ang ang buhok nito. Sa ayos ni Gage ngayon, parang marami tuloy ang magkakaroon ng crush dito. Ang lakas kasi ng dating nito at napakaamo po ng mukha. "Baby, are you all right?" Bumalik si Kara sa reyalidad nang marinig ang may kalakih

