"KUMUSTA ang pag-uusap niyo ni Kuya Karlos?" tanong ni Kara sa nobyo. Nag-angat ng mukha ito sa kaniya. "A-Ayos naman. We talked about you. Sinabi niya sa akin na huwag kang sasaktan na hindi ko naman talaga gagawin at wala akong balak. Ano pang magiging silbi ng pangako ko sa iyo kung hindi ko rin naman pala tutuparin? At natatakot din akong mawalan ng kaligayahan, baby," anito at isinubo ang tinidor na may steak. Tinanggap na ni Kara ang alok nitong dinner date sa kaniya. Maaga siyang umawas sa pagtatrabaho niya para makapag-date sila ng boyfriend niya. It seems like it's her first time dating a guy. Although she already experienced it with Marvin before, but Gage is different. She's comfortable sitting in front of him at ni hindi niya nagawang makaramdam nang pagkailang sa binata. Sig