"KARA, look at yourself now. Nakahiga ka riyan sa kama mo at hindi ka makalakad. Bakit ba ayaw mong magpadala sa hospital, ha? Kung ayaw mong magpa-check up sa amin ni Karlos, just let us take you to the hospital." Naglayo ng tingin si Kara sa Ate Karina niya. "Ate, ilang beses ko bang sasabihin na okay lang ako? Wala na akong lagnat, okay?" "Bakit hindi ka makalakad?" Ibinalik ni Kara ang tingin sa nakakatandang kapatid at nakita niyang nakapamaywang na ito habang masama ang tingin sa kaniya. "I-I don't know," pagsisinungaling niya. "Baka may sumumpa sa ak—" "Seryoso ako, Kara." Nilapitan siya nito at umupo sa tabi niya. "Hayaan mong dalhin ka namin sa hospital, kahit ngayon lang, Kara. Ayos lang na huwag na sa amin ni Karlos. Karlos is a doctor and I'm a nurse and actually, we can h