NAPAATRAS si Ciara at may gulat na nag-angat ng mukha kay Kara. Sinapo nito ang kaliwa nitong pisngi na ngayo'y namumula na dahil sa lakas ng suntok na iginawad ni Kara rito. "Why did you do that?!" galit nitong tanong habang nanlilisik ang mga mata sa kaniya. "For real, Ciara? At may gana ka pang tanungin ako niyan?" Pagalit na tinuyo ni Kara ang mukha kapagkuwa'y nagbaba ng tingin sa lababo. "Nang dahil sa iyo, nawala ang pinaka-iingat-ingatan kong bagay. It's an engagement ring, Ciara. And now, it's gone," maluha-luhang anas ni Kara rito pero hindi niya hinayaang tumulo ang luha niya sapagkat magmumukha lang siyang mahina rito. "And you deserved that, Kara. Hindi bagay sa iyo ang magsuot ng singsing at wala kang karapatang pakasalan si Gage dahil akin lang siy—" "Own him, fine! Pero