"BAKIT ba pabalik-balik ka riyan, Kara? Why don't you just stay put and tell me what's going on?" Tumigil si Kara sa ginagawa at tiningnan ang nagsalita. Si Keyla ito na nakatingin sa kaniya nang diretso habang may malaking kunot sa noon. Sunod-sunod na umiling si Kara sa kaibigan bago umupo sa upuang malapit lang sa kaniya. "Nagtatampo sa akin si Gage, Keyla. H-Hindi ko naman inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya nang tumanggi ako sa gusto niyang mangyari," sagot niya kay Keyla. Naglakad si Keyla palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Ano bang gustong mangyari ni Gage, Kara?" "Keyla, h-hindi mo na kailangang malaman pa dahil... dahil sa amin lang ni Gage iyon. Magkaibigan tayo pero sa tingin ko, hindi mo na kailangang malaman iyon." It happened last night. When Gage asked