NAGISING ang diwa ni Kara nang maramdaman niyang may parang nakatitig sa kaniya. Nanghihina niyang binuksan ang mga mata at pinagmasdan ang kaniyang kinaroroonan. Hindi niya maaaninag kung nasaang lugar siya sapagkat bahagyang malabo ang paningin niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at mamaya pa'y iminulat na rin niya iyon. Sa pagkakataong iyon, malinaw na ang paningin niya. Nagpalinga-linga si Kara sa kapaligiran at nakumpirma niyang nasa loob siya ng isang kuwartong walang kalaman-laman. Nangungunot ang noo niyang idiniretso ang tingin at halos mapaatras siya nang may makitang isang lalaki sa hindi kalayuan. Nakatingin sa kaniya ito nang diretso habang magkakrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "Sino ka? A-Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito?" Sa mga puntong iyon ay kumabo