"MAY problema ba kayo ni Gage, Kara?" Napabaling si Kara kay Violet nang biglang magsalita ito. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig kapagkuwan ay sinagot ang kaibigan. "Wala, Violet. Wala kaming probmema ni Gage." "E, bakit ka malungkot? Simula nang pumasok ka kaninang umaga, nakabusangot ka na riyan. What happened ba, huh?" "Hindi ako gusto ng tiyahin ni Gage. She hated me, Violet, e hindi ko nga naalala na magkaaway kaming dalawa. Kagabi lang naman kami unang nagkita, e, tapos pinag-attitude-an niya pa ako." "What? Wow, ang kapal din naman ng mukha noon, e. Wala siyang karapatang pag-attitude-an ka. May respeto ako sa matanda pero kapag katulad naman ng tiyahin ni Gage, naku, ilalabas ko talaga ang totoo kong kulay!" gigil na wika ni Violet na ikinailing na lang ni Kara.