WARNING: This chapter contains mature content. Kung hindi po kayo komportable sa ganitong tema, puwede niyo pong i-skip ito! "LET me in, Kara. Let me in!" Iyan ang narinig ni Kara sa labas matapos niyang magsalita. Napalunok siya nang makilala ang boses na iyon. Si Gage ba iyon? Sunod-sunod na napailing si Kara saka ipinatong ang basong hawak sa center table at naglakad patungo sa pinto. "Gage? I-Is that yo—" "Yes, Kara. It's me. The man who's deeply in love with you." Napailing si Kara sa sinabi ni Gage. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at walang ano-ano'y hinila ang pinto. Mula sa labas, nakita niya si Gage. Nakaupo ito sa mahabang upuan habang nakayuko. Lumunok siya kapagkuwan ay itinulak ang gate. "What are you doing here, Gage? I told you to stop approaching me!" may galit n