WALANG buhay na ipinatong ni Kara ang bag sa sofa kapagkuwan ay umupo sa tabi noon. Bumuntong-hininga siya at ibinagsak ang sariling likod sa sandalan ng kinauupuan. She rejected Gage immediately dahil ayaw niyang paasahin ito. Masyado pang maaga para makipagrelasyon siya dahil sariwang-sariwa pa rin ang sakit na idinulot ng lalaking nangako sa kaniyang hindi siya lolokohin. Gagawin niya lang tanga ang sarili kung magpapaligaw siya kay Gage. Isa pa, hindi niya pa ito lubusang kilala. Gage hurt Rio at nakabaon na iyon sa utak niya. Masyadong possessive si Gage para sa kaniya. Gusto niya sa lalaki iyong hindi katulad ni Gage. She doesn't like his behavior. Tama bang basta-basta na lang suntukin ang isang tao na wala namang ginagawang masama? Maling-mali ang ganoon. Pang-immature na ugali i