DURING that night... "Matanong lang, Gage. Nagkakausap pa ba kayo ng Megan na iyon? May komunikasyon pa ba kayo sa isa't-isa?" Inisang lagok ni Gage ang alak sa basong hawak at inilapag iyon sa lamesang pinagigitnaan nilang dalawa. Kasalukuyan silang nag-iinuman sa likod ng bahay nina Kara. Nasa tabi sila ng kubo. Hindi naman magawang mahindian ni Gage ito dahil baka kung ano ang isipin nito kung tumanggi siya. "Simula po nang lokohin ako ni Megan, hindi ko na po siya nakakausap. At bakit ko naman kakausapin ang katulad niya? Sa araw po mismo ng kasal namin, hindi siya sumipot. Akala ko'y late lang siya pero hindi pala. I was wrong. Pinagpapawisan na ako sa harap ng altar kakahintay sa kaniya tapos hindi pala siya pupunta." Bahagyang tumawa si Gage nang maalala na naman ang nakaraan. "I