"Nakaalerto na ang mga tauhan at pulisya. Calm down, okay? Hindi pababayaan ni Larry si Kesleigh." Kalmadong ani ni Hendrix sa akin. Bumuntonghininga ako saka tumango. Naka-receive ako nang notification from Kesleigh. Sinubukan ko itong tawagan ngunit wala na. Naibigay naman agad sa amin ng tauhan ni Agatha Lorraine ang location ng huling pinuntahan ni Kesleigh. Dumating na sa location ang mga tauhan at nakitang nasa gilid ng kalsada ang sasakyan. Sinusuyod na ang area upang hanapin si Larry and Kesleigh. Ganoon ka-despirate si Grace Morissette Gallano para idamay pa ang mga taong wala namang kinalaman sa issue namin. Sana okay lang si Kesleigh at Larry. Sana… "I'M SO SCARED!" ani ko kay Larry sabay yakap dito. Napabuntonghininga si Larry na parang gusto akong itulak pero walang magawa ku