"20% na ang nalagas sa pwersa ni Grace Morissette Gallano. Ang karamihan dito ay mga politikong takot masira ang kanilang mga pangalan. Trinatrabaho na ng mga magulang na umayon sa plano natin ang mga naka-assign sa kanila. Habang ang 50% ay ang Lolo mo na ang bahala at ang natitirang porsyento ay ako na ang bahala." Kalmadong imporma ni Hendrix na mukha namang komportable na i-open sa akin ang topic. "Kung makukumbinsi ko ba ang mga girls na nasa poder pa ni Miss Grace na pumanig sa atin malaki ba ang maitutulong no'n?" tanong ko rito. Tumingin ito sa akin. "Yes, pero hindi mo iyon gagawin. Masyadong delikado," sabi agad nito na mababakas na agad sa mukha ang matinding pagtutol nito."What if, 'yong mga babaeng iyon ay loyal kay Grace Gallano?" Tumayo ako saka kinuha ang laptop nito n