Huminga muna nang malalim si Hendrix bago sumagot. Para pa nga itong nahihirapan at nagdadalawang isip. "Tell me, Hendrix. Pagkatiwalaan mo 'yong nararamdaman ko sa 'yo." "Sina Atara at Draco..." mahina ang pagkakasabi nito pero narinig ko. Bahagya kong iniangat ang tingin nito dahil para itong bata na pinaaamin sa kasalanan at unti-unting napapayuko. "Sino?" ani ko rito. Salubong na salubong ang kilay. "Sina Atara at Draco." Ngayon ay titig na titig na ito. Sinubukan kong huminga nang malalim upang lumuwag ang dibdib pero wala ring naitulong iyon. Sunod-sunod na nag-unahan sa pagpatak ang luha ko. Ilang buwan ko na rin pa lang nae-encounter ang magulang ko. Kaya parang biglang nagbago ang ihip ng hangin? Kaya ba gano'n na lang ang reaction ni Atara Cayk sa tuwing nagtatama ang ti