"Doc, kumusta na po s'ya?" sumalubong kaagad kami sa doctor na lumabas ng silid. Papunta pa lang si Hendrix. Si Larry at Andres ang kasama ko ngayon dito. Pinauwi ko na si Kesleigh baka kasi mapahamak pa ito. Ang ibang bodyguards ay nakakalat sa paligid just to make sure na safe kami ngayon. "I'm sorry to inform you, nagkaroon ng miscarriage si Sugar." Automatic na kay Andres ang tingin namin ni Larry. Parehong shock sa sinabi ng doctor. Pero mas higit ang shock ni Andres na parang nanghina pa mabuti na lang nahawakan namin ni Larry. "W-ait, alam n'yo bang buntis s'ya?" takang ani ng doctor. Pare-pareho kaming napailing. "Hindi po namin alam, doc." "I'm sorry." Hinging paumanhin ng matanda."Sugar is safe now." Tinapik nito nang marahan ang balikat ko saka kami iniwan nito. "A-ndr