"HINDI PA KATAPUSAN NG MUNDO, hindi ka rin pwedeng magpalamon sa guilt na nararamdaman mo." "S-ugar?" "Malakas ka, 'di ba?" ani ng babae. Wala ang dating sigla na palagi kong nakikita rito. Pagkatapos nitong maka-recover ay nagsabi ito na babalik na ito sa trabaho. Bigla ko tuloy na miss 'yong Sugar na madalas ay sarcastic sa akin."Wala kang kasalanan sa nangyari. Hindi ko na protektahan ang anak ko, kaya ikaw tiyakin mong maproprotektahan mo ang anak mo. Tapusin mo na rin ang dapat mong tapusin kay Miss Grace kung gusto mo nang tahimik na buhay." Sunod-sunod akong tumango. "Yes, I will." Buo ang loob na ani ko rito. Saka humakbang palapit dito at mahigpit itong niyakap. "Ipaghiganti mo ang baby ko." Malungkot ang tinig na ani ni Sugar sa akin. "Oo, titiyakin kong pagsisisihan ni