"Kailangan ka nila rito. Kami na lang nila Sugar ang uuwi!" ani ko kay Hendrix. Kaalyado pa rin nito ang mga Ilvien kaya tiyak na umaasa rin ang mga ito sa suporta ni Hendrix. "Ihahatid kita sa bahay." Mariing ani ni Hendrix. Ngunit hinalikan ko ito sa pisngi. "Hindi na, uuwi na kami. Maiwan ka rito. Okay?" mariing napabuntonghininga si Hendrix na waring nag-isip. Tinawag nito si Andres at Larry saka binilinan. Pagbalik nito sa pwesto ko ay kinabig nito ang batok ko at mariing hinalikan ang labi ko. "Ingat ka." Bilin ko rito nang maghiwalay ang labi naming dalawa. "Yes, I will!" malawak ang ngiti ko na kumaway rito. Sa totoo lang, nang makarinig ako nang pagsabog ay binalot ng matinding takot ang puso ko. Takot na takot ako, to the point na hindi ko na napansin kung saan nagpunta si L