"Eat more, wife." Punong-puno na nga ang bibig ko may pa-cheer pa ito. Kanina ko pa pansin na iba ang paraan nang titig nito. Bumuntonghininga saka dinampot ang tissue at pinunasan ang gilid ng labi. "Talk." Tipid pero seryosong ani ko rito. "Ha?" "Hotdog." Akmang iaabot nito ang hotdog nang tapikin ko ang kamay nito. "Talk now, Hendrix." Alam ko namang gets nito kaya sunod-sunod ang buntonghininga nito. "Alam ko na kung sino ang nagpasunog ng foundation at ng apartment mo." Natigilan ako saka napatingin dito. "S-ino?" kabadong tanong ko. May hinala ako na si Miss Grace kaya hindi na ako nagsaliksik pa. "Si Margaux." "A-no? A-nong sabi mo?" "Si Margaux ang mastermind nang pagkasunog ng foundation and ng apartment mo." Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaction ko.