"Bakit kailangan pang sumama ako sa meeting ng grupo?" tanong ko kay Hendrix habang papasok kami ng gusali nito. "Kailangan ko sa tabi ko ang maganda kong asawa." Ewan ko, kahit papuri iyon ay natawa pa rin ako. See, pati ang asawa ko ay baliw na baliw sa akin. Ganito siguro talaga kapag tunay ang kagandahan. "Itutuloy na natin ang kasal na may basbas din nila. Gusto kong malaman nila na buo na ang loob kong pakasalan ka." Alam ko naman mahalaga ring malaman ng mga ito, lalo't si Hendrix ang leader ng grupo nila. "K-eia?" parang nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang tinig na kahit matagal na panahon ang lumipas ay pamilyar na pamilyar pa rin sa akin. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Hendrix na napansin naman agad nito. Dahan-dahang nilingon ko ang babaeng tumawag sa panga