"Plano nila Mommy ng engrandeng kasal." Himutok ni Mary. Karga nito si Baby Uno na nilalaro ang buhok nito. "Ano namang problema roon? Hayaan mo na, less gastos." Pabirong ani ko rito. Narito si Mary sa bahay namin sa The Alpha's town. Tumakas ito dahil darating daw ang parents ni Xen. "Tsk. Ayaw ko nga kasi ng gano'n. Kung talagang gusto akong pakasalan ni Xen, pwes iyong gusto ko ang masusunod." Natawa ako sabay iling. "Crazy! Ilang buwan mo ng dine-delay ang kasal ninyong dalawa. Pinapaasa mo lang yata iyong tao eh." "Of course not!" mariing tangi ko. "Then magpakasal na tayo ngayon." Napalingon kami kay Xen na papasok ng pintuan. Kasabay nito si Hendrix na agad napangiti nang makita ako. Mas nauna pa itong nakalapit at mabilis na hinalikan ako sa labi. Saka nito hinarap si Mary p