Nagpapatuloy ang buhay ng mga tao sa labas, habang ako parang tumigil na sa pag-inog ang buhay ko sa apat na sulok ng kwartong ito. Maingat na inilapag ko sa crib si Baby Dream. Nakapanganak na ako pero itong tatay ng anak ko ay hindi pa rin nagigising. Hindi ko s'ya susukuan. Kahit sinukuan na s'ya ng pamilya n'ya, ako hindi. Ito ang araw na iuuwi ko na s'ya. Sa bahay na s'ya mananatili. Sa tulong ni Boss H ay naipahanda ko ang bahay para sa pag-uwi ni Andres. Magiging komportable s'ya roon, kumuha rin ako ng nurse na s'yang magbabantay sa lalaki. Anim buwan na simula nang manganak ako. Hindi naman kami pinabayaan nila Miss K and Boss H. Kapag sobrang pagod ako sa pagbabantay rito ay madalas nilang kunin si Dream at sila na ang nag-aalaga. "Uuwi na tayo." Nakangiting ani ko kay