"Parekoy!" tuwang-tuwa na nakipag-apir si Batsy kay Keiro Uno na may subo-subong ice candy na galing sa nadaanan nitong table. Si Batsy ang may gawa no'n at mukhang nagustuhan ng anak ko. Karga ni Hendrix si Baby Theo na tulo laway pa habang masarap ang tulog. "Auntie Batsy, hingi ako plastic. Iuuwi ko po iyong ibang ice candy. Si Daddy na po magbayad." Malutong ang naging tawa ko sa sinabi ng anak ko. Palaging nagkakautang ang anak kong ito rito sa The Alpha's Foodie at sa tindahan ni Jas. Ewan ko ba rito sa batang ito, parang lalaki atang palautang. "Eh, sabi ng daddy mo huwag na raw kitang pautangin kasi sinasayang mo naman." "Of course not!" umiling-iling pa ito saka tinignan ang ama."Daddy, hindi ko po sinayang ang food. Ayaw mo ba no'n shina-share ko ang food sa mga living things?