Masama ang tingin ko sa mga anak kong lalaki. Nasundan pa ng tatlo ang anak namin ni Hendrix. Ang bunso ay babae, at s'ya ang dahilan kung bakit kami ngayon narito sa sala. "Mommy, huwag ka na pong magalit sa mga kuya ko." Lambing ni Isabella sa akin. "Sino ang nagturo sa 'yo na humawak ng baril?" gigil na tanong ko. Saka muling itinapon ang tingin sa mga kuya nito. "Sila Kuya kambal." "Mom! Inosente ako, ako ang pinakamatino mong anak." Tangi agad ni Theo. "Isabella?" naghihintay ng explanation na ani ko rito. "Sige na nga, si Daddy na lang." Nasamid si Hendrix sa iniinom nitong juice sa biglang pagturo ng bunso n'ya. Inihit ito nang ubo saka waring humihingi ng saklolo sa akin. "You did?" ani ko sa aking asawa. "For safety reason lang, wife." Inilapag nito sa table ang baso saka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books