Isang linggo, literal na nagkulong lang kami sa mansion. Daig pa namin ang nag-actual demo ng Kamasutra. Kung hindi pa ako nagpa-pass out ay hindi ito tumitigil. Pero may mga times na nagigising ako na patuloy pa rin akong inaangkin nito. Sa loob ng ilang buwan na kasama ko ito, ang daming emosyon ang iminulat sa akin ni Hendrix. Kahit mga emosyon na noong una'y hindi ako pamilyar. Kauuwi lang kahapon ng mga kasambahay, kasama sina Larry, Andres and Sugar. Ngayon araw ng lunes, back to work na ako. Idinahilan ko na lang kay Hendrix noong nakaraan na nakapagpaalam na ako na ngayong lunes ako papasok. Siguro kung normal na empleyado lang ako ay tiyak matagal na akong tanggal sa trabaho ko. But, I owned the company, so it's fine. "Ano bang nangyari sa 'yo?" tanong ko kay Sugar na simula p