"Alam ko na po kung nasaan s'ya, Boss H." Marahan kong isinara ang pinto ng silid ni Ivan saka bumalik sa sala. Naroon si Ivan na naguguluhan kung ano ba ang nangyari. Inabutan ako nitong sinusubukang buksan ang pinto. "Ano bang nangyayari?" nakasimangot na ani nito sa akin. Halatang antok na antok, ayon dito ay may event itong pinuntahan. "Hindi ko rin alam, muntik ko nang ikamatay 'yang pagtakas ni Miss K. Hindi man lang nagpaalam." "Tanga, tumakas nga eh. Bakit magpapaalam?" sinamaan ko nang tingin ang baklitang ito. "Ako na ang bahala sa kanya. Umalis ka na, may allergy ako sa mga babaeng pangit." Maarteng sabi nito na waring diring-diri sa akin. "Hoy, maganda ako! Maganda at may pekpek ako!" ani ko rito na mas ikinalukot ng mukha ni Ivan. "Eh ano kung may pekpek ka? May but