Iuuwi na raw ako ni Sugar. Hindi naman na ako tumangi dahil nakapag-isip naman na ako. "Huwag ka sanang magalit kay Boss H. Masyado lang binigyan ng kulay ng mga paparazzi ang larawan nila sa restaurant." "Hindi ako galit, hindi rin naman ako bulag." "Tiwala ang kailangan ni bossing ngayon." Habang bumabyahe kami pauwi. Napatingin ako sa isang store ng mga jewelry. Impossible na hindi ko mapansin dahil sa bintana ako nakatitig. "Ihinto mo." Utos ko kay Sugar. Mabilis naman nitong ginawa. "Ay, tangina!" ani nito nang makita ang tinititigan ko. Si Hendrix kasama si Margaux. Relax na relax na nag-uusap. Saktong lumapit ang isang staff sa mga ito. Mariin akong pumikit. "Let's go." "O-kay," alanganin sagot ni Sugar. Pagdating namin sa The Alpha's Town hindi ako sa mansion nagpaderetso.