Magaang-magaan ang katawan ko. Mas nauna pa akong nagising kaysa kay Hendrix na naghihilik pa sa tabi ko. 6:49 am na. Mamaya pang 10 am ang kasal pero kailangan pa rin naming kumilos ng maaga kaya naman tinapik-tapik ko na ito. "5 minutes…" bulong ni Hendrix. Napagod ba ito kagabi? Pero ayos naman ang pakiramdam ko. Tiyak 'kong walang nangyari sa amin kagabi. Kabisado ko ang katawan ko kapag may nangyayari sa amin ng asawa ko. Bukod sa tiyak na pagod na pagod ay masakit ang p***y land kapag gano'n. Pero tiyak akong natulog na lang din ito. "Ayaw mo na bang magpakasal ulit sa akin?" pinalungkot ko ang aking tinig. Mabilis namang napabalikwas si Hendrix. Nanlalaki ang mga matang napatitig sa akin. Naka-boxer lang ito. Bagay na bagay talaga rito 'yong boxer nito. Kahit large ay mukha pa r