"Sugar?" bahagya itong ngumiti sa akin saka humakbang palapit at niyakap ako. "Congratulations." Masayang ani nito sa akin. "A-kala ko…" nagtaas-baba ang tingin ko. Sa mukha nito patungo sa t'yan nito. Nakunan s'ya 'di ba? Anong---? "Bago ka magtanong pag-usapan muna natin ang mga dapat gawin." Kalmadong ani nito na s'yang nauna pang pumasok sa silid na nakalaan sa amin. Naiwan kaming tatlo sa loob ng silid. Sinulyapan ko si Sugar na ngayon ay maingat na umupo sa couch. Naka-wedding gown pa ako. "Magpapalit muna ako." Paalam ko kay Hendrix na wala namang problema sa suot nitong puting toxido. Hinubad lang kasi nito iyon at iniwan ang panloob nitong long sleeve. Lumapit ito sa isang maleta. Of course, pamilyar iyon sa akin dahil gamit naming dalawa ang laman no'n. Kumuha ito nang