Bella's POV Ilang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ring lead ang mga pulis kung sino nga ba ang mastermind sa pagtangka ng buhay ko. Suspect lang ang mga Montalvo at si Francine pero wala kaming pruweba na magtuturo na isa sa kanila ang nag-utos na pagtangkaan ang buhay ko. Ilang araw bago ang insidenti ay nakaalis na si Francine sa bansa, ang parents naman ni Adrian ay nasa America habang si Adrian ay nasa rehab at bantay sarado ng mga pulis. Damian promised me na hindi niya hahayaang walang managot sa nangyari sa akin. Kahit isa sa mga gunman ay wala ring nahuli at hindi rin sila matunton dahil hindi sila makilala at ang gamit nilang sasakyan at motor ay hindi nakarehistro. Mas dumoble pa ngayon ang bantay ko sa condo pati na ang sa pamilya ko. "Damian, sige na. Puntahan na nat