Bella's POV Pagkarating namin sa ospital ay dumiretso kami kaagad sa kuwarto ni Kuya Arturo. Nagulat sila ng asawa niya nang makita nila kaming bumisita. Pinakilala ko ang parents ni Damian sa kanila at nag-usap sila. Habang nag-uusap sila ay umupo naman ako sa couch para mag-order ng foods namin for dinner. "What are you doing, Muffin?" Tanong ni Damian nang makaupo ito sa tabi ko. Sinilip pa nito ang ginagawa ko sa phone. "Uhm. Mag-oorder ako ng food para pagdating natin mamaya sa bahay ay nakahanda na ang pagkain. Ipapadeliver ko nalang sa bahay mamaya." Sagot ko sa kanya habang naghahanap ng restaurant sa isang delivery app. "Okay na ang food. I called my friend. You don't have to worry about that." Sagot ni Damian sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, "nakakahiya naman sa 'yo--