Bella's POV
After the restaurant incident ay hindi na namin napag-usapan ni Damian ang tungkol doon. It's been a week na at parang nakalimutan na nga namin ang nangyari roon. Francine is one of the famous models. I was not aware that kase hindi naman ako mahilig sa ganoon. May mangilan-ngilan akong kilala pero hindi siya kasama roon. Alam ko lang na isa siyang model pero hindi ko alam na sobrang sikat pala nito. Naalala ko pa ang sinabi ng Mommy niya na isa siya sa top highest paid models.
While I was scrolling in my social media, nakita kong may ilo-launch na bagong product ang brand ng skin care na gusto ko. It was a serum body lotion with perfume. May bago rin silang kinuhang endorser. I was curious kung sino ang endorser nila and mas curious ako sa bagong product nila.
Hinanap ko ang live streaming ng brand ng skin care at nang mahanap ko na ito ay nanood ako. Nagulat ako sa nakita ko. Ang bagong endorser nila is none other than Francine Soriano, ang ex-fiancée ng boyfriend ko. She looks stunning sa outfit niya. She is smiling while talking. I think tapos na ang product launch dahil presscon na ang naabutan ko.
"Ms. Francine, nabasa ko ang official statement niyo tungkol sa issue na hiwalay na kayo ng fiancé mo. How true na pinagpalit ka raw niya sa isang katulong?" Tanong ng isang lalaki.
I scoffed when I saw her reaction, para itong nagulat sa tinanong sa kanya. Wala pang ilang segundo ay nakita ko ang pag lungkot ng ekspresyon nito. She's really a good actress. Kung ayaw niya ng maging model ay pwede siyang maging artista.
"I don't know. If totoo naman 'yon," she paused and smiled sadly, "you know, I can't blame him naman. Wala ako sa tabi niya. Maybe he needs me kaya ayon, sa iba niya nahanap ang dapat ay binibigay ko sa kanya," sagot nito habang naiiyak.
"Gosh! This woman is really something." Ani ko.
Kung siguro ay hindi ko alam ang totoo ay maniniwala ako sa sinasabi niya, baka nga maiyak pa ako at isumpa ko si Damian, but I know the truth. Magkaiba talaga ang ugali ng mga sikat na tao sa harap at likod ng camera.
"But you know, it's my fault naman. I was really busy chasing my dreams. May kasabihan nga tayo na, 'you can't have it all'. Yes, I am famous and achieved what I want now but naapektuhan naman ang relationship ko. Napabayaan ko ang lalaking mahal ko." Dugtong pa nito.
"Looks like pati ang isang Francine Soriano ay naloloko rin pala. Who would have thought? You're perfect, famous and successful in your career." Ani ng lalaking nagtanong kanina sa kanya.
"He was really a good man though, hindi lang talaga nagtugma ang schedule namin. Mahirap din ang LDR, it's really for tough people," anito at bahagyang tumawa, "come on, guys, I know how heartbroken I am today pero let's not make this a big deal." She sweetly smiled.
"Plastic!" Inis na sabi ko.
May tumaas ng kamay at tinuro niya ito, "yes, Ma'am?" Tanong nito at ngumiti.
"If I remember correctly, Ms. Francine, mahigit 2 years kang nasa New York, right?"
"Yes." she smiled.
"I was the one who interviewed you before ng bago ka pa lang sa New York." Ani ng babae.
Kita naman ang pagkagulat sa mukha ni Francine.
"Really? I'm sorry hindi na kita maalala. Ang dami niyo kasi." She joked.
"It's fine, Ms. Francine. So, 2 years ago, I asked you about your relationship with Atty. Damian de Dios and you denied it. Sinabi mo sa akin noon na hindi mo siya boyfriend and ang career mo ang mahalaga sa 'yo that time. But, ang video clip na kumakalat ngayon ay kitang-kita roon na si Atty. Damian de Dios ang lalaki roon."
Naging uneasy si Francine. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ng babae. Hindi ito kaagad nakapagsalita pero she composed herself and smiled.
Nagulat naman ako sa sinabi ng babae. Ang akala ko ay naayos na ni Damian ang problema sa mga paparazzi na ni hire ni Francine that night. I think mayroon pa ring nakakuha ng video except sa kanila. I need to see the video later at baka nahagip ako roon. Hindi pwedeng makita ng ibang tao ang mukha ko at baka kung anu-ano pa ang sabihin sa akin at gawan ako ng memes.
"It was a big opportunity for me and I can't ruin it kaya ko nasabi 'yon. It was an honest mistake," she nervously laughed, "let's not talk about the past, guys."
"Is it true na umalis ka ng walang paalam sa fiancé mo na si Atty. de Dios to pursue your career at mula noong umalis ka ay ni kailanman ay hindi mo siya ni try na i-contact kahit na gumagawa ito ng paraan na contact-kin ka? Kaya rin ba hindi na matutuloy ang kasal niyo dahil ikaw ang umalis ng walang paalam at hindi dahil sa niloko ka ng dati mong fiancé?"
Francine was taken aback. Ang mga mata nito ay kung saan-saan na nakatingin. She's like asking for help para makatakas siya sa hotseat. Kahit ako ay nagulat din sa sinabi ng babae. Paano niya kaya ito nalaman?
"How sure are you na totoo 'yan? Malamang ay gawa-gawa mo lang 'yan para siraan si Francine." Sabat ng isang lalaki.
"I was 100 percent sure about this. Kung mali ang sinasabi ko ay pwede namang sagutin ni Ms. Francine ang tanong ko. I stand corrected." Kalmadong sagot ng babae.
Hinihintay ng mga tao roon ang sagot ni Francine pero tumayo ito at nagmamadaling umalis. May mga lumapit naman kaagad sa kanya, mga security yata 'yon. Agad na umingay ang mga taong naroon nang umalis si Francine.
I sighed. She was really confident before she was asked by that reporter. Mukhang may maayos at legit itong source tungkol kay Francine at Damian noon.
Nagbasa ako ng mga comments. Hati ang simpatya ng mga tao. May nasa panig ni Damian at mayroon ding nasa panig ni Francine. Mayroon ding bilib sa ginawa ng reporter dahil kung hindi niya raw iyon tinanong kay Fracine, ay maniniwala nalang sila sa kasinungalingan nito. May nagsabi pa nga roon na baka si Damian mismo ang source niya.
"Oo nga, ano? Sila lang naman ang nakakaalam ng totoong nangyari noon. As if naman na ni-kwento 'yon ni Damian sa kung kani-kanino lang." Nasabi ko.
Nag-appear ang pangalan ni Damian sa screen ng phone ko. Tumatawag ito kaya sinagot ko ang tawag niya.
I smiled, "hello?"
"Hi, Muffin." Aniya sa kabilang linya.
"Napatawag ka? Hindi ka ba busy?"
"I just missed you, Muffin and yes, I am not busy. Kakatapos ko lang manood ng presscon." Sagot nito sa akin.
Nanlaki ang mata ko. Presscon ba ni Francine ang tinutukoy niya?
"Ni Francine?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, Muffin. Nanood ka rin?" Tanong nito sa akin.
Nagrequest ng video call si Damian kaya ni-accept ko ito. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Damian. He is leaning on his swivel chair.
"So, you watched that presscon too." Aniya.
Tumango ako, "you know, 'yon ang brand ng skin care na ginagamit ko. I was just curious about their new product and endorser, hindi ko inakala na si Francine pala 'yon." Sagot ko sa kanya.
Napangiti naman ito sa akin, "I know, Muffin. You really liked that brand. I was actually planning to invest to them but now that she's their new endorser? Nah! I'd rather not, or I can tell them to fire her." Natawa pa ito sa huling sinabi niya.
Napailing ako sa kanya, "don't be petty. Regardless naman kung sino ang endorser nila, maganda pa rin ang products nila. You can still invest to them or you can do partnership. Pwede kayong magrelease ng bagong product." I suggested.
"I can see that, Muffin. I checked their sales. Sila ang one of the trusted local brands ngayon in the market, but still, I wouldn't dare. Ayaw kong magkita pa kami ulit ni Francine." Sagot nito sa akin.
"Bakit naman? Galit ka ba sa kanya?"
Napailing ito, "nope, Muffin. I have you now and I need to respect you as my girlfriend."
Napangiti naman ako sa kanya.
"Attorney, hindi ako ganoon kababaw." Natatawang sabi ko.
"How are you there, Muffin?" Pag-iiba nito ng topic.
"I'm fine, Damian. Wala naman akong ginagawa rito." Sagot ko sa kanya.
"That's good, Muffin. By the way, my Mom called me. She already set the date of our dinner. Doon na sa bahay para walang sagabal." Anito.
"Kailan naman 'yon?" Tanong ko sa kanya.
Kailangan ko na naman yatang bumili ng dress. Or I can wear the same dress again. Wala namang problema roon.
"This Saturday, Muffin."
"Okay, Damian. I will note it para hindi ko makalimutan."
Sa kabang nararamdaman ko ay sigurado naman akong hindi ko 'yon makakalimutan. Our first meeting was not that good dahil sa nangyari. I hope hindi sila na off sa akin. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari at hindi naman ako gumawa o nagalita ng masama that night.
"All right, Muffin. I need to go now. I'll see you later, okay? I love you." Malambing na turan nito.
"See you later. I love you." Tugon ko.
Binaba na ni Damian ang tawag.
Pumasok ako sa banyo para umihi, saktong paglabas ko ay tsaka naman may nagdoorbell. Nagtungo ako sa pinto para tingnan ang monitor.
Nanlaki ang mata ko. Nasa labas ang kapatid ni Damian. Anong ginagawa niya rito? Binuksan ko ang pinto at nahihiyang ngumiti sa kanya.
"H-hi." Nahihiyang sabi ko.
"Hello. Wala si Kuya, right?" Seryosong saas nito.
"W-wala. Nasa opisina pa siya. P-pasok ka."
Ang intimidating nito. Mayroon siyang matapang na aura.
Pumasok naman ito sa condo ni Damian. Sinara ko ang pinto at sumunod kay Princess sa living area.
"G-gusto mo ba ng juice? Water or coffee?" Tanong ko sa kanya.
Tinitigan lang ako nito ng seryoso. Na conscious naman ako sa pagkakatitig niya sa akin.
"I don't want those," seryosong sabi nito, "do you love my kuya?" Tanong nito sa akin.
Hindi ito nagbababa ng tingin. She crossed her arms.
Tumango ako, "oo." Maikling sagot ko.
"I don't like you." Matigas na wika nito.